Christ Centered Community Development

Wednesday, June 17, 2009

Proper Branch




Ernesto Abenojar o mas kilala sa pangalang Kuya Erning or Kuya Ernz ang nangunguna ngayon sa pamamahala ng Proper Branch. Isa siya sa mga haligi ng CCT Gensan, sabi ng mga bagong staff dahil sa tagal niya na rin sa organisasyon. Naging PA, PO, SPO, HR Officer narin siya. Hindi na matatawaran ang kanyang karanasan sa larangan ng micro finance at ngayon, bilang bagong challenge sa kanya, ang sentro ng GENSAN nakung saan naka posisyon ang Proper branch ay kanyang pangungunahan. Isa si Kuya Erning sa masasabi ko na ibinuhos na ang buhay sa pagilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng CCT Ministry. Saan mo man siya ilagay, handang-handa ang kanyang puso na sumunod dito. Isang magandang pagkakataon rin para sa CTDI Training team na matulungan siya sa pamamagitan ng pag-train ng kanyang mga fellowship coordinators. Mahalaga kasi ang ginagampanang role ng mga coordinator sa kanilang mga fellowship group na nasasakupan. Muli, sa pamamagitan ng training, muling naibalik ang kanilang malasakit para sa organisasyon, na may magagawa pala sila para matulungang mapabuti ang operasyon ng isang branch. Nasabi ko nga sa aking sarili noong matapos ang training"tama ang bilang ng coordinators na dumalo,eksaktong dose(12), may disipolo na si kuya Erning" aangat na ang kanilang performance dahil sama-sama na silang ibangon ang branch nila.

No comments:

Post a Comment