Christ Centered Community Development

Thursday, June 11, 2009

P.Malakas Branch



Isang magandang simulain ang inumpisahan ng P. malakas branch na pinapangunahan ng kanilang Project Officer na si Gng. Faith Carino ng kanyang ipatawag ang kanyang mga fellowship coordinator para sa isang training na pangungunahan ng iyong lingkod. "Doing God's Purpose in My Generation ang naging tema ng pagtitipon. Isang mahalagang posisyon ang ginagampanan ng mga nanay na ito, posisyon na hindi pera o sahod ang nagpapakilos kundi ang kanilang pagmamahal sa Diyos, sa organisasyon at sa kanilang kapwa. Mahalaga ang araw na ito para sa kanilang PO dahil sa palubog na performance ng branch. Muli, sa pamamagitan ng training na ito, nabuhay muli ang kanilang pagmamalasakit para sa kanilang branch, na may magagawa pala sila para sa ikabubuti nito. Nagkaroon din sila ng commitment para sa branch na sila ay tutulong. Pinagunahan ni Gng. Faith Carino ang panalangin para sa kanilang mga commitment na tutulong. Maraming bago para sa mga participants, nakakatuwa ngang tingnan kasi ang ganda ng kanilang mga drawing (Abstract na abstract). Ang pinapasalamatan ko lang sa Panginoon tuwing natatapos ang aking training ay ang mga ngiti at pasasalamat mula sa mga participants na sila ay may natutunan na naman na puedi nilang maibahagi sa kanilang mga kasamahan.

Sunday, June 7, 2009

CCT


Nationwide Coverage

CCT Regional office


Front view

CCT Regional office


ito ang CCT Regional Office Sa Gensan City.

Mga ka-manggagawa


"Ang Masayang manggagawa ay mahusay na manggagawa" Ito ay kuha bago umuwi sakani-kanilang mga branches ang ating mga kamanggagawa sa Panginoon. Isang bagay lang ang nakita ko sa kanila na nakakapagbigay inspirasyon para sa akin na sumama at nagbahagi ng kunting mensahe sa kanila, ito ang mabuti nilang samahan sa pangunguna ni Ptr. Berdin Allado. Wala akong nakita na may mas mataas na posisyon sa kanila, pagpapatunay na kapag gusto mo na mapakilos ang mga tauhan mo na masaya, huwag mo'ng itaas ang sarili mo bilang kanilang superior, bumaba ka sa level ng mga tauhan mo kung saan kayo pueding mag-abot. Hindi mo kailangang manakot para sila ay mapasunod, gamitin ang puso at isipan, nararamdaman kasi nila kung ikaw ay tapat at totoo sa pangunguna sa kanila.

Team Bonding


Isang magandang pagkakataon para sa mga kapwa mangagawa natin sa Panginoon mula sa area ng Sarangani, South Cotabato at Sultan kudarat sa pangunguna ni Ptr. Berdin Allado, ang Area Coordinator nito. 7 na mga branches ag hawak nito; Alabel, Glan, Kiamba, Maitum, Polomolok, Surallah at Isulan. Ang pagtitipon ay nag umpisa ng alas-syete (7pm) ng gabi ng Beyernes, Hunyo 5. Ang ganitong pagtitipon ay ginagawa para ang mga staff na kahit papaano ay makalimutan kahit na kunting sandali lamang ang mga pressure na kanilang hinaharap sa pang araw-araw na gawain sa micro finance program. Makikita mo sa mga mukha ng mga staff ang kasiyahan na dulot ng pagtitipon na ito.