Christ Centered Community Development

Tuesday, July 14, 2009

Surallah and Isulan Get-Together


Ginanap sa Sto. Nino Gymnasium ang pagtitipon ng dalawang CCT branch para sa taonang Get-Together noong nakaraang Hunyo Hunyo 20, 2009. Ito ay pagpapahayag ng kabutihan na ginawa ng ating Panginoong Hesus sa nakalipas na taon. Ang South Cotabato at Sultan Kudarat na Area ay pinapangunahan ng kanilang Area Coordinator na si Ptr. Berdin Allado. Ang Surallah branch ay pinapangunahan ni Gng. Jomerie Bucani at sa Isulan Branch naman ay si Jeny Diaz.

Cotabato and Midsayap Get-Together




Ginanap sa Cotabato City Polytechnic State College Gymnasium ang pagtitipon ng CCT Cotabato at Midsayap members noong nakaraang lingo, Hulyo 11, 2009 ganap na alas-otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali. Isang masayang pagtitipon na puedi palang sabay na magpuri sa Panginoon ang mga kapatid natin'g mga Muslim at Kristiyano sa iisang bubong. Ang pagtitipong ito ay naging posible dahil sa tulong ng ating Panginoong Hesus, LGU ng Cotabato City, PNP Cotabato na nag secured ng venue at CCT Cotabato/Midsayap Staff na na pinapangunahan ng Big brother ng CCT, Engr. Jun Castillo bilang kanilang Area Coordinator at Ptr. Erol De Pedro bilang Area Spiritual Development Coordinator. Si G. Jonald Olandres naman para sa Cotabato City branch at Engr. Glen Senillo para sa Midsayap branch

Monday, July 13, 2009

Gensan Area and Polomolok Get-Together












Ha



Halos mapuno ang Lagao Gym noong nakaraang buwan, Hunyo 27, 2009 ng mga aktibong meyembro ng CCT Credit Coop. Pagpapatunay na tunay nga silang pinagpala na naging kasapi sila ng kooperatiba. Isang masaya at makasaysayang event ito para sa Gensan Area na pinapangunahan ni Gng. Romelie Nicolas. Bilang pakikiisa, ang CTDI-Mindanao kasama na nakilahok sa pagtitipong ito sa pamamagitan ng pagbigay tulong technical.

Muslim Partners


Taken during the Cotabato-Midsayap Get-Together