Christ Centered Community Development

Monday, June 15, 2009

JJ Team





June15.2009
Dumating kahapon galing ng CCT Head Office ang isang team para ayusin at klaruhin ang mga accountabilities ng mga staff. Si Mark (not Herras), Ate Marla at Abby ang mga napili na mag-aayos nito. Marami na rin kasing mga reklamo ang natatanggap ng JJ Head office patungkol sa mga over deduction na binabawas sa mga staff. Para ma-resolba ang problemang ito, sila na mismo ang bumaba para mas maging maayos at klaru na sa lahat ng mga staff ang kanilang mga accountabilities. Dala nila ang mga individual statement of account at kasama narin rito ang passbook ng lahat ng JJ member. Isang magandang development ayon pa sa mga staff na nakausap ko kasi nakikita na talaga nila ang laman ng mga savings nila. Ang team ay pupunta pa ng Cotabato Area at ang panghuli ay ang Davao Area.

No comments:

Post a Comment