Christ Centered Community Development

Tuesday, August 11, 2009

VOH Gensan Opening





Pormal ng binuksan ang VOH learning Center na matatagpuan sa Nagpan, Malungon, Sarangani Province kahapon, August 11, 2009. Ang probinsiya ay nasa listahan ng isa sa pinakamahirap na probinsiya ng bansa. Pinagunahan ng ating butihing presidente, Si Ate Ruth Callanta ang pormal na pagbubukas ng isang World-Class na learning center (All for the Glory Of God) para sa mga kapatid nating mga Blaan (IP's) na nakatira malapit sa CCT-TDI Training Center. Isa ito sa mga pangitain ng CCT na matulungan ang ating mga kapwa-Pilipino na magkaroon ng magandang oportunidad na ikakabuti ng kanilang mga pamilya para sa karangalan ng ating panginoong Hesus.