Christ Centered Community Development

Tuesday, June 16, 2009

Bagong pagkakataon para sa mga kapamilya





Hunyo 17, 2009

"Hulog ng langit", ito ang nasambit ng isang aplikante para sa isang Job Referral na ginawa sa CCT Regional Office sa GENSAN. Kakaiba daw sa iba kasi alam kaagad nila kung sila ay tanggap na o hindi. Ang CCT Job refferal Program ay pinapangunahan ni Ptr. Noel, isang mahusay, masayahin at diretsong kausap na Program Coordinator. Tunay nga na ito ay pagpapala para sa mga pamilya ng CCT members at CCT Staff na may pagkakataon na ngayon na makapagtrabaho ang kanilang mga kapamilya sa abroad na walang pag-aalinlangan o takot na baka ma-peke ang aplikasyon nila. Sa ngayon ay marami ng mga kompanya sa abroad gaya ng New Zealand, Qatar, Saudi Arabia, Dubai, Canada at marami pang iba na nagbigay na ng pahiwatig na makipag-partner sa CCT dahil nakita nila na tunay ang pagtulong nito na ginagawa sa kapwa-Pilipino. Humigit kumulang sa 20 na katao ang natulongan ng CCT Job Referral na maka-trabaho abroad.

No comments:

Post a Comment